Kami-Kami!
KaPATED (Proactive Allies Towards Educational Development) ay motibasyon ng paniniwala na ang edukasyon ay may kakayahang baguhin ang buhay ng mga tao. Nagsimula kami sa layunin ng paggamit ng boluntaryo upang isara ang mga puwang sa edukasyon, at nagsusumikap kaming mabuti na magkaroon ng makabuluhang epekto sa mga lugar na pinakakailangan nito.
Vision
Isang lipunang bawat bata ay may access sa dekalidad na edukasyon at ang boluntaryong pagtuturo ay kinikilala at pinahahalagahan bilang mahalagang kontribusyon sa lipunan.
Mission
Magbigay-daan at magsulong ng boluntaryong pagtuturo sa mga komunidad na nangangailangan, sa pamamagitan ng pagbibigay liwanag sa mga kwento at karanasan ng mga boluntaryong guro at mag-aaral,.
Tungkol sa Proyekto
Kinukuha ng aming AVP & Infomercial ang totoong buhay na mga kwento at karanasan ng mga boluntaryong guro, na pinapakita ang kanilang mga hamon, tagumpay, at ang malaking epekto ng mga ito sa mga mag-aaral at komunidad.
Ang aming E-Zine ay nagbibigay ng impormasyon at mga mapagkukunan para sa mga interesadong maging boluntaryo, at ipinapakita ang mga kuwento ng mga mag-aaral na ang buhay ay positibong naapektuhan ng bolunterismo.
Infomercial + AVP
E-Zine
Kilalanin si Ate't Kuya!
Kamusta! Ako Si JD!
Ako ay isang multimedia artist at storyteller. Pangarap ko maging isang kilalang direktor ng pelikula. Sa mga kabataang katulad ko, huwag matakot mangarap nang malaki. Ang ating imahinasyon at dedikasyon ang magiging daan tungo sa ating pangrap. Sama-sama nating gawing realidad ang ating mga bisyon sa pamamgitan ng pelikula, litrato, at sining!
Kamusta! Ako Si Tian!
Ako’y isang multimedia artist na dalubhasa sa photography, graphic design, cinematography, at music production. Ako’y isang freelancer na nagangarap na maging isang art director at creative director sa hinaharap. Bawat hakbang na ginagawa natin ay palagi may progreso, kahit na hindi natin ito nararamdaman. Ang daan sa tagumpay ay hindi laging diretso; ito ay puno ng mga Twists and Turns. Palaging yakapin ang paglalakbay, matuto sa bawat karanasan. Ang iyong pagpupursige at pasyon ay magbubuo ng iyong hinaharap sa mga paraang hindi mo pa nakikita. Keep your curiosity alive.
Kamusta! Ako Si Chico!
Ako ay mahilig sa paglikha ng iba’t ibang uri ng arts and design, tulad ng 3D, Graphic Design, Photography, Film, Game Design, Music, at marami pang iba. Pinapangarap kong maging isang musikero at multimedia designer na may kakayahang maglahad ng nararamdaman ng iba. Alalahanin natin na nagsisimula ang pagiging edukado mula sa pagbubukas ng ating isipan!