Kami ang KaPATED!
KaPATED (Proactive Allies Towards Educational Development) ay motibasyon ng paniniwala na ang edukasyon ay may kakayahang baguhin ang buhay ng mga tao. Nagsimula kami sa layunin na gamitin ang volunteerism upang punan ang mga kakulangan sa edukasyon. Nagsusumikap kami upang magkaroon ng makabuluhang epekto sa mga lugar na pinakakailangan nito.
Vision
Magkaroon ng isang lipunang bawat bata ay may access sa dekalidad na edukasyon at ang boluntaryong pagtuturo ay kinikilala at pinahahalagahan bilang mahalagang kontribusyon sa lipunan.
Mission
Magbigay-daan at i-sulong ng boluntaryong pagtuturo sa mga komunidad na nangangailangan, sa pamamagitan ng pagbibigay liwanag sa mga kwento at karanasan ng mga boluntaryong guro at mag-aaral,.
Tungkol sa Proyekto
Kinukuha ng aming AVP & Infomercial ang totoong buhay na mga kwento at karanasan ng mga boluntaryong guro, na pinapakita ang kanilang mga hamon, tagumpay, at ang malaking epekto ng mga ito sa mga mag-aaral at komunidad.
Ang aming E-Zine ay nagbibigay ng impormasyon para sa mga interesadong maging boluntaryo, at ipinapakita ang mga kuwento ng mga mag-aaral na ang buhay ay positibong naapektuhan ng bolunterismo.
Infomercial + AVP
E-Zine
Kilalanin si Ate't Kuya!
Kamusta! Ako Si JD!
Ako ay isang multimedia artist at storyteller. Pangarap ko maging isang kilalang direktor ng pelikula. Sa mga kabataang katulad ko, huwag matakot mangarap nang malaki. Ang ating imahinasyon at dedikasyon ang magiging daan tungo sa ating pangarap. Sama-sama nating gawing realidad ang ating mga bisyon sa pamamgitan ng pelikula, litrato, at sining!
Kamusta! Ako Si Tian!
Ako ay mahilig at dalubhasa sa photography, graphic design, cinematography, at iba pang multimedia arts. Pangarap kong maging isang art director na makapagbibigay ng inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng aking likha. Tandaan, nagsisimula ang tagumpay sa pagiging bukas sa bagong kaalaman!
Kamusta! Ako Si Chico!
Ako ay mahilig sa paglikha ng iba’t ibang uri ng arts and design, tulad ng 3D, Graphic Design, Photography, Film, Music, at marami pang iba. Pinapangarap kong maging isang musikero at multimedia designer na may kakayahang maglahad ng nararamdaman ng iba. Alalahanin natin na nagsisimula ang pagiging edukado mula sa pagbukas ng ating isipan!