KaPATED

E-Zine

Iba’t-ibang ulat ukol sa iba’t-ibang aspeto ng volunteerism!

Mga Highlight Feature

Ang Laban ng KK-ALAY

(p. 9-10)

Ulat ni: Chico Zantua

Ang Laban ng KK-ALAY

Ang laban kontra kamangmangan para sa kinabukasang maliwanag ay hindi isang madaling gawain. Sa halip nito, lumalaban ang organisasyong KK-ALAY, o ang Kapit Kamay-Alternative Learning Avenue for the Youth para sa kanilang irrelevant, ngunit bakit?

 

Marami sa ating mga kababayan ay dismayado sa estado ng edukasyon sa Pilipinas. Ayon sa Philippine Business for Education (2019), higit 82.4% ng mga Pilipino ang nakakapagtapos ng primary education, ngunit higit 30.5% lamang ang nakakapagtapos ng secondary education, Dagdag pa rito, maraming mga eskwelahan ang kulang sa pondo- na ginagamit para sa pag-ayos ng mga silid-aralan, mga school supplies, at pambayad sa suweldo ng mga guro. 

 

Ibinahagi ng mga guro na minsan ay kumukuha sila sa sarili nilang bulsa para lamang mai-angat ang kalagayan ng mga silid-aralan nila.

 

Habang lumalaganap ang mga problemang ito, dumadagdag pa rito ang tumataas na inflation rates sa ating bansa, kung saan sumasabay rin dito ang pag-taas ng mga bayarin sa pagpapa-aral ng mga pamilya para sa kanilang anak.

 

Sa isang field group discussion, nakipag-usap kami sa mga officers ng KK-ALAY, at ipinahayag nila ang kanilang paniniwala na hindi naman mangangailangan, o magde-depende ang ating bansa sa volunteer teaching programs kung maayos ang mga pundasyon ng ating sektor ng edukasyon. Nananawagan sila na sana mabigyan ng sapat na pangangailangan at pondo ang mga iba’t ibang paaralan, mga malayong komunidad, mga estudyante, at ang mga guro na pursigido kahit na mababa ang sahod, kulang kulang ang mga resources, at nagtuturo sa minsang hindi akma na kapaligiran.

(p. 19-20)

Ulat ni: Chico Zantua

Ang Biyahe Papuntang "Kubo ni Lola"

Shinowcase nila Clia Lualhati, Veana Medina, at Frances Queroda ang kanilang husay sa ginanap na MMA Capstone Plenary nuong April 22, 2024 sa De La Salle-College of Saint Benilde, kung saan nanalo sila ng ‘Best Print Project’ award. Ang project na ito ay sumusunod sa kwento ni Amara, at ang kanyang paglalakbay sa iba’t-ibang panahon sa history ng Pilipinas. Layunin ng project na ito na ipakilala ang rich culture, language, and history ng Pilipinas para sa mga kabataang ang first language ay Ingles.

Chinachallenge ng “Ang Kubo ni Lola” ang mga language barriers na humahadlang sa mga kabataan ngayon sa pagiging educated sa ating language, culture, and history. Dala dala pa nito ang vibrant at energetic artstyle na satisfying sa mata. Ang pananalitang gamit sa libro ay maaring mahirap intindihin, lalo na’t sa mga batang baguhan pa sa mga deep words, ngunit hindi dapat mag-alala, dahil kasama sa librong ito ay ang glossary, at may mga book puzzles pang makakatulong upang mas maunawaan at mas tumatak ang information sa mga batang nagbabasa.

Ika nila Lualhati, Medina, at Queroda na napansin talaga nila na ang mga bata ngayon ay kumukuha ng content sa mga social media platforms katulad ng TikTok at YouTube na nasa wikang ingles. Nalaman rin nila sa kanilang mga survey na talagang hindi maganda ang level of understanding ng mga bata sa ating language- na nakadugtong naman sa ating culture and history.

Ang tatlong individual na ito ay ginamit ang kanilang lakas sa pagiging artista upang bigyang-buhay ang kanilang nais makitang pagbabago. Si Clia Lualhati ang nagsilbing Lead Illustrator at Storyboard Artist. Si Veana Medina naman ang Page Colorist at Copywriter, na sinamahan ni Frances Queroda na Page Colorist din at Web Designer.